17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Ika-14 na KADIWA ng Pangulo, isinagawa sa Bontoc

Matagumpay na naisagawa ang ika-14 na yugto ng Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo sa Bontoc Municipal Capitol Grounds, Bontoc, Mt. Province nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.

Ang aktibidad ay isinasagawa ito tuwing ikalawang Lunes ng bawat buwan, ang KADIWA ng Pangulo ay isang pinagsamang programa ng Department of Agriculture (DA) at ng Lokal na Pamahalaan ng Bontoc na dinaluhan ng mga residente ng Bontoc at mga kawani ng pamahalaan na nagpapakita ng matibay na partisipasyon at suporta ng komunidad para sa mga lokal na prodyuser.

Isa sa mga tampok ng aktibidad ay ang “KADIWA – Rice for All” kung saan ang bigas ay ipinagbenta sa halagang ₱20.00 kada kilo lamang.

Ang bentahan ay bukas para sa lahat ng residente ng Bontoc at isinagawa sa sistemang “first-come, first-served” na may limitasyon na 10 kilo bawat tao.

Layunin ng programa na maging tulay sa pagitan ng mga magsasaka at mamimili, upang makapagbigay ng abot-kaya at sariwang mga produktong agrikultural habang itinataguyod ang lokal na produkto.

Bahagi ang aktibidad na ito ng patuloy na pagsusumikap ng Department of Agriculture at LGU-Bontoc na gawing abot-kaya ang pagkain para sa publiko habang sinusuportahan ang mga lokal na magsasaka at pinapalakas ang agrikultural na ekonomiya ng bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles