Patuloy ang paghahatid ng libreng serbisyong medikal ng Pamahalaang Lokal ng San Ildefonso sa mga Barangay Pulong Tamo at Telapatio, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Lunes, ika-13 ng Oktubre 2025.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Mayor Gazo Galvez, katuwang ang Office of the Municipal Health Officer na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nunez, at ang Office of the Municipal Nutrition Action Officer sa pamumuno ni Ma. Eunice Vanguardia.
Layunin ng programang ito na mailapit sa mamamayan ang libreng konsultasyong medikal, gamot, at iba pang serbisyong pangkalusugan upang masiguro ang maayos na kalusugan ng bawat San Ildefonsonian.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan na maihatid ang serbisyong may malasakit sa bawat sulok ng bayan para sa kalusugan, kagalingan, at kapakanan ng lahat.







