17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

LGU-Narvacan, Ilocos Sur, sinimulan ang linggo ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay-puri sa Panginoon

Nagbigay ng makabuluhang mensaheng espiritwal si Msgr. Ferdinand Lacanaria ng Philippine Independent Church na nakabase sa San Jose, Narvacan, sa ginanap na tradisyunal na Flag Raising Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan kaninang umaga ng Oktubre 13, 2025.

Bilang isa sa mga Senior Prelates ng Narvacan, naging makahulugan ang mensahe ni Msgr. Lacanaria para sa lahat ng mga halal na opisyal ng bayan na pinangungunahan ni Mayor Edna Cabalo-Sanidad, DMD; Vice Mayor Margarito Tejada, Municipal Administrator Atty. Jamyrah Sanidad, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Msgr. Lacanaria na isang panibagong “karamdaman” ang kinakaharap ngayon ng lipunan sa Pilipinas — ang patuloy na isyu ng korapsyon sa pamahalaan. Ayon sa kanya, tila wala nang lunas ang naturang suliranin na patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan dahil sa perang dapat ay para sa bayan ngunit napupunta sa bulsa ng ilang tiwaling opisyal at kontratista.

Gayunman, umaasa si Msgr. Lacanaria na mananatiling matatag laban sa korapsyon ang pamahalaan ng Narvacan dahil sa mga prinsipyo ng mga namumuno rito. Hinikayat niya hindi lamang ang mga opisyal kundi maging ang mga empleyado at mamamayan na makiisa sa laban kontra katiwalian, lalo na sa mga proyekto gaya ng flood control.

Sa kanyang panghuling mensahe ay nanawagan siya para sa patuloy na paggabay at pag-iingat para sa mga namumuno ng bayan upang magpatuloy ang matuwid at maayos na pamamahala sa lokal na gobyerno.

Panulat ni: Malayang Kaisipan

Source: Pamahalaang Lokal ng Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles