25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

DSWD F02, Namahagi ng ECT sa mga Naapektuhan ng Bagyo sa Calayan

Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng DSWD Field Office 02 para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Nando sa Calayan, Cagayan kahapon, ika-11 ng Oktubre, 2025.

Personal na nagtungo ang mga Angels in Red Vests sa mga island barangay ng Babuyan, Camiguin, at Dalupiri upang ipamahagi ang tulong pinansyal. Kasabay nito, may payout din sa mga barangay sa mainland Calayan kabilang ang Cabudadan, Centro II, at Poblacion.

Bawat pamilya ay tumanggap ng tig-Php10,080 na financial assistance na kanilang magagamit para sa pagsasaayos ng nasirang mga tahanan at kabuhayan.

Ang ECT ay isa sa mga programa ng DSWD na nagbibigay ng agarang tulong sa mga pamilyang tinamaan ng kalamidad upang matulungan silang makabangon sa lalong madaling panahon.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles