23.8 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, naghatid ng Libreng Serbisyong Medikal

Naghatid ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ng patuloy na malasakit sa kalusugan ng bawat Kapampangan sa pamamagitan ng Alagang Nanay Preventive Healthcare Program na isinagawa sa Lubao Gym, Lubao, Pampanga nito lamang Oktubre 10, 2025.

Sa naturang aktibidad, mahigit 1,200 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Lubao, Porac, at Floridablanca ang nakatanggap ng libreng laboratory tests, konsultasyon, maintenance medicines, insulin, food packs, at pamasahe mula sa Kapitolyo.

Layunin ng programang ito na mapanatiling malusog ang mga mamamayan at maiwasan ang mga karaniwang sakit gaya ng hypertension o altapresyon.

Pinangunahan ng Provincial Health Office ang nasabing aktibidad katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pamumuno nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, na kilala sa kanilang programang Alagang Nanay na nagbibigay-diin sa preventive healthcare at serbisyong may malasakit.

Patuloy ang Alagang Nanay Program sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang bayan ng Pampanga at nananatiling pangunahing layunin ng Kapitolyo ang pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng bawat Kapampangan, isang patunay ng pamahalaang tunay na may malasakit sa mamamayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles