Ipinamahagi ang tulong ng PampangeƱo na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mga residenteng lubos na naapektuhan ng matinding pinsalang dulot ng nagdaang lindol sa hilagang bahagi ng Bogo City, Cebu nito lamang Linggo, ika-12 ng Oktubre 2025.
Personal na nagtungo ang Team Pampanga upang maipaabot sa 1,897 residente ng mga barangay Bungtod at Cogon na labis na naapektuhan ng kalamidad, ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang ang Bogo City sa mga pinakamatinding tinamaan ng lindol sa rehiyon, kung saan naitala ang 30 nasawi at libo-libong pamilya ang apektado.
Kabilang sa mga ipinamigay ang mga pagkain, inuming tubig, kumot, at iba pang pangunahing pangangailangan.


Bahagi ito ng programa ng Pamahalaang Lalawigan ng Pampanga na āTulong Kapwa Kapampanganā initiative, na naglalayong maghatid ng agarang tulong at pag-asa sa mga lalawigang apektado ng kalamidad.
Patuloy ang Team Pampanga sa pag-abot ng tulong sa iba pang lugar sa Cebu.
Sa kabila ng trahedya, buhay ang diwa ng bayanihan at malasakit ng mga Pilipino.




