23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Alaminos City, nagsagawa ng Veterinary Medical Mission bilang pakikiisa sa World Rabies Day

Bilang pakikiisa sa paggunita ng World Rabies Day, ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pangunguna ng Veterinary Office Alaminos City ay nagsagawa ng Veterinary Medical Mission para sa mga alagang aso at pusa ng mamamayan ng lungsod.

Isinagawa ito sa kanilang tanggapan at sa City Slaughterhouse Compound katuwang ang ilang volunteer doctors mula sa mga private clinics at mga corporate sponsors.

Kaakibat ng mahalagang gawain na ito ang pagpapalaganap ng Responsible Pet Ownership na patuloy na isinusulong ng City Veterinary Office bilang isa sa mga mahahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas at maayos na lungsod kabilang na ang mga panauhin.

Source: Alaminos City LGU

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles