18.3 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Pamahalaan ng San Fernando City, agad nagbigay tulong sa mga pamilyang apektado ng baha

Sa kabila ng matinding pagbaha na idinulot ng Bagyong Nando, Bagyong Opong, at Habagat, muling ipinamalas ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Fernando ang mabilis at tapat na serbisyo para sa mga mamamayan.

Noong Sabado, Setyembre 27, 2026 personal na tinungo ni Mayor Vilma Balle-Caluag, ang mga barangay na labis na naapektuhan ng pagbaha upang tiyakin na agad na naipararating ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Mahigit 400 pamilya mula sa Barangay Maimpis at Pandaras ang nakatanggap ng food packs mula sa national government, na mismong iniabot ni Mayor Caluag, kasama ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Kasabay nito, nagpapatuloy ang masusing assessment ng CDRRMC upang matukoy at matulungan pa ang iba pang pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Ang inisyatibang ito ay patunay ng pagkakaisa at malasakit ng pamahalaan para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Fernandino.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles