23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Php38 Milyon cash assistance at 1,500 FFPs, ipinamahagi ng DSWD FO II sa Calayan, Cagayan

Naghatid ngayong Setyembre 28, 2025 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 ng kabuuang Php38 Milyon at karagdagang 1,500 Family Food Packs (FFPs) para sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Nando sa Calayan, Cagayan.

Linggo man ay tinungo ng mga empleyado ng DSWD, sa pangunguna ni Regional Director Lucia Suyu-Alan at limang social workers ng ahensya, ang pamamahagi ng cash assistance at FFPs sa mga apektadong pamilya sa naturang bayan. Umabot sa 3,800 pamilya mula sa mga barangay sa mainland Calayan ang nakatanggap ng tig-Php10,000 na cash assistance.

Tulong-tulong sa pagload at unload ng FFPs ang mga kawani ng DSWD, Office of Civil Defense, Tactical Operations Group 2 ng PAF, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Navy, Philippine Marines, at Philippine Army.

Ayon kay RD Alan, ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na agad matulungan ang bawat pamilyang nasalanta upang makabangon mula sa pinsala ng kalamidad.

Kasama rin ni RD Alan sa pagtungo sa lugar sina Cagayan Governor Edgar “Egay” Aglipay, Cagayan PNP Provincial Director PCol. Mardito Angoluan, Marine Battalion Landing Team-10 Commanding Officer Maj. Ariel Delos Santos at iba pang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Source: DSWD FOII FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles