Dinagsa ng mga residente ng Barangay Buntun ang isinagawang Barangay People’s Day ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao na naghandog ng iba’t ibang libreng serbisyo para sa mamamayan kahapon, ika-27 ng Setyembre 2025.
Ito ay pinangunahan ni Hon. Maila Ting-Que, City Mayor ng Tuguegarao kasama sina City Councilors Myrna Te, Anthony Tuddao, at dating Congressman Randy Ting.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga ahensyang gaya ng PSA, PNP, BFP, Cagelco 1, at MTWD para sa bayarin at iba pang serbisyo.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay libreng medical check-up, gamot, gupit, manicure, pedicure, seated massage, assorted seeds, seedlings, anti-rabies vaccine, dog food, late birth registration, legal services, at food packs.
Nagpasalamat naman si Punong Barangay Batang sa pamunuan ni Mayor Maila Ting-Que sa tulong na ibinigay.
Ayon kay City Administrator Juanito Calubaquib, layon ng programa na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa bawat barangay.
Source: Tuguegarao City Information Office




