18.3 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

PCSO, namahagi ng ChariTimbas sa mahigit 200 mangingisda ng Laoag City na apektado ng bagyo


Umabot sa mahigit 200 mangingisda mula sa Laoag City ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan ng programang “ChariTimbas,” matapos ang pinsalang dulot ng Super Typhoon Nando.

Ipinamahagi ang mga ayuda noong Setyembre 25, 2025 sa Barangay 1, San Lorenzo. Bawat ChariTimba ay naglalaman ng iba’t ibang pangunahing pagkain na makatutulong upang pansamantalang masuportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mangingisdang apektado ng bagyo at kanilang mga pamilya.

Tiniyak din ng PCSO na hindi lamang Laoag City ang makatatanggap ng tulong, kundi maging ang iba pang bayan sa Ilocos Norte na labis na naapektuhan ng kalamidad. Inaasahan na sa mga susunod na araw ay ipagpapatuloy ang pamamahagi ng ChariTimbas upang mas marami pang pamilya ang mapagaanan ng pasanin.

Ang programang ito ay patunay ng bayanihan at malasakit, na nagbibigay pag-asa sa mga mangingisda at kanilang mga komunidad sa gitna ng kanilang muling pagbangon mula sa kalamidad.

Source: PIA Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles