Sumuko ang isang tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Sitio Ag-agama, Barangay Western Uma, Lubuagan, Kalinga noong Setyembre 27, 2025.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Bilito,” 71 anyos, residente ng nasabing lugar.
Nabatid na ang sumuko ay dating armado at combat support ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) BAGGAS sa ilalim ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC).

Isinuko rin nito ang isang 12-gauge bolt-action shotgun na walang serial number at markings at ang dalawang bala.
Ang patuloy na paghina ng teroristang grupo ay indikasyon na epektibo ang kampanya ng pamahalaan na tuldukan ang insurhensya sa bansa na balakid sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.




