23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

1 patay at 7 sugatan sa landslide sa Tuba, Benguet

Patay ang isang senior citizen matapos ang nangyaring malagim na landslide na naganap sa Sitio Begis, Poblacion, Marcos Highway, Tuba, Benguet bandang 2:00 ng hapon noong Setyembre 22, 2025.

Kinilala ang biktima na isang 74-anyos na lalaki mula Tarlac, at nasawi matapos maipit sa kanyang sasakyan sa dulot ng pagguho.

Agad na isinugod sa hospital ng mga rumespondeng mga otoridad subalit idineklarang dead-on-arrival sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Batay sa ulat, apat pang mga sasakyan ang nadamay kabilang ang isang Ford Ranger, Toyota Innova, Toyota Grandia, at isang tanker truck.

Samantala, ilang pasahero na karamihan ay senior citizen mula Pasig City ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan kabilang ang apat na babae at isang lalaki na agad ding dinala sa BGHMC upang sumailalim sa medikal na pagsusuri.

Sugatan rin ang mag-asawang mula Baguio City na lulan ng isang itim na agad ring dinala sa Saint Louis University Hospital habang nagtamo manang ng dislokasyon sa balikat ang 40-anyos na driver ng isang tanker truck, nagtamo rin ng dislokasyon sa balikat at na agad dinala sa ospital.

Patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa mga motorista na magdoble ingat sa pagbyahe lalo na panahon ng tag-ulan at bagyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles