22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Commanding Officer at Political Instructor ng NPA, arestado sa kasong Destructive Arson

Arestado ang Commanding Officer at Political Instructor ng New People’s Army sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Dilan Payawan, Lamut, Ifugao nito lamang Setyembre 22, 2025.

Kinilala ang mga naaresto na isang 44 anyos, (Commanding Officer, SROG, Southland, SRC Southland) at isang 35 anyos, (Political Instructor) at pawang residente ng Agusan del Norte.

Dinakip ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Enero 30, 2020 ng Acting Presiding Judge ng Tenth Judicial Region Branch 7 Bayugan City, Agusan Del Sur para sa kasong Destructive Arson na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles