Namahagi ng family food packs ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Nando sa ilang barangay sa lungsod ng Tuguegarao kahapon, ika-22 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Ito ay pinangunahan ni Hon. Maila Ting-Que, City Mayor ng Tuguegarao kasama ang iba pang mga kawani ng gobyerno at stakeholders.
Batay sa ulat ng CSWDO, umabot na sa 63 pamilya o katumbas ng 265 na indibidwal ang naapektuhan mula sa mga barangay ng San Gabriel, Ugac Norte, at Carig Norte. Ang mga residente ay napilitang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center ng kanilang barangay. Patuloy din ang pagbibigay ng tulong at pag-asikaso sa kanilang pangangailangan ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng naturang aktibidad na matulungan ang mga residente na pansamantalang nawalan ng kabuhayan at naapektuhan ng bagyong Nando. Patuloy naman ang monitoring ng mga opisyal ng barangay upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Source: Tuguegarao City Information Office




