16.6 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

CSC Tree Growing Activity, isinagawa sa Banayoyo, Ilocos Sur

Sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service, nagsama-sama ang mga kawani ng ISMC, Civil Service Commission (CSC), at iba pang ahensya ng pamahalaan sa isang nationwide tree growing activity sa Bagbagotot, Banayoyo, Ilocos Sur noong Setyembre 12, 2025.

Sa temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,” binigyang-diin ng aktibidad ang mahalagang papel ng mga lingkod-bayan hindi lamang sa pagpapaunlad ng bansa kundi maging sa pangangalaga ng kalikasan.

Nagtanim ang mga kawani ng pamahalaan ng mga katutubong puno at punong namumunga upang itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan, palakasin ang kakayahan laban sa epekto ng pagbabago ng klima, at isulong ang kapakanan ng publiko.

Bahagi ito ng nationwide simultaneous activities ng CSC na tinaguriang “Plant-Run,” na kinabibilangan din ng fun run at trail hike. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, ipinakita ng mga kawani ang pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon sa paglilingkod at sa kapaligiran.

Bukod sa pagtatanim ng puno, layunin din ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at hikayatin ang mas aktibong partisipasyon ng publiko sa mga programang pangkalikasan.

Source: Civil Service Commission Regional Office 1 / Myra Gazmen’s post

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles