17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

8-buwang buntis, patay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Mankayan, Benguet

Nasawi ang isang 18-anyos na walong buwang buntis matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Lower Lip-atan, Barangay Guinaoang, Mankayan, Benguet noong ika-3 ng Setyembre 2025.

Kinilala ang biktima na si alyas “Ivy”, tubo ng Topdak, Atok, Benguet.

Batay sa ulat ng pulisya, nakatulog umano ang biktima sa kanilang tahanan bandang 4:50 ng hapon habang bumubuhos ang malakas na ulan nang biglang gumuho ang riprap wall sa likod ng kanilang bahay na nagsanhi upang matabunan siya ng lupa at debris.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Mankayan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), Guinaoang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) at mga volunteers upang maisagawa ang search and retrieval operation.

Narekober ang katawan ng biktima at isinugod sa Lutheran Hospital sa Abatan, Buguias, gayunman, idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.

Patuloy na pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa mga landslide-prone areas na mag-ingat at maging alerto lalo na ngayong panahon ng malalakas na pag-ulan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles