17.7 C
Baguio City
Thursday, May 14, 2026
spot_img

Van, nahulog sa ilog sa La Trinidad, Benguet

Nahulog sa ilog ang isang van bandang 7:00 ng gabi noong Setyembre 3, 2025 sa Sitio Tebteb, Barangay Balili, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakaparada ang naturang sasakyan sa gilid ng riprap nang biglang gumuho ang bahagi nito dahil sa mga malalakas na ulang naranasan sa lugar dahilan na bumigay ang lupa at tuluyang nahulog ang van sa ilog.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station, kasama ang mga barangay tanod at residente, upang tiyakin na ligtas ang sitwasyon at makuha ang sasakyan mula sa ilog, at walang naitalang nasaktan sa naturang insidente.

Samantala, nagsagawa ng clearing at assessment ang mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa lugar at maiwasan ang posibleng kaparehong pangyayari, lalo na’t patuloy ang pabago-bagong panahon at pag-ulan.

Pinayuhan din ng pulisya at lokal na pamahalaan ang publiko na maging maingat sa pagpili ng lugar na pagparadahan ng kanilang mga sasakyan at iwasan ang mga lugar na malapit sa ilog, riprap, at mga lugar na maaaring gumuho dulot ng ulan.

Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala na laging pairalin ang pag-iingat at maagap na pagreport sa mga awtoridad upang maiwasan ang disgrasya at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles