23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Baguio City Fire Station, pinarangalan bilang Best City Fire Station sa Rehiyon

Isang malaking karangalan ang tinanggap ng Baguio City Fire Station matapos nitong masungkit ang parangal bilang Best City Fire Station sa buong Cordillera, kasabay ng pagdiriwang ng ika-34 na Anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cordillera.

Ang nasabing pagkilala ay nagbibigay-diin sa kahusayan at dedikasyon ng mga bumbero ng lungsod sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo—mula sa pagpigil at pagsugpo ng sunog, rescue operations, emergency medical services, hanggang sa aktibong pakikilahok sa iba’t ibang programang pangkomunidad.

Ayon sa pamunuan ng istasyon, ang nasabing tagumpay ay hindi magiging posible kung wala ang sama-samang pagsisikap ng lahat ng kawani, gayundin ang walang sawang suporta ng lokal na pamahalaan, komunidad, at iba’t ibang katuwang na sektor.

“Ito ay magsisilbing inspirasyon para lalo pa naming paghusayin ang aming serbisyo at manatiling tapat sa aming tungkulin na protektahan ang buhay at ari-arian ng bawat mamamayan,” ayon sa pahayag ng isa sa mga opisyal ng Baguio City Fire Station.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang parangal para sa mga bumbero ng Baguio, kundi isa ring patunay ng kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa buong Cordillera region.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles