17.7 C
Baguio City
Wednesday, May 13, 2026
spot_img

Harry Up Program Serbisyo Caravan para sa Kaunlaran ng Bayan, hatid sa lalawigan ng Cagayan

Paglilingkod para sa kaunlaran ng bayan ang hatid ng Alpha Company, 17th Infantry Battalion Philippine Army,  Kasama ang Philippine National Police (PNP), at iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan (RHU, MAO, MENRO, MSWD, MEO, MDRRMO, GSO, LCR, MASSO, MBO, MTO, MPDO), sa pangunguna ni Hon. Si Yvonne Kathrina S. Florida, Mayor ng Allacapan, Cagayan at ang Provincial Health Office, sa isinagawang Harry Up Program Serbisyo Caravan noong ika-26 ng Agosto, 2025 sa Barangay San Juan Allacapan Cagayan.

Serbisyong libreng gupit, pamamahagi ng food pack, at pangangalagang medikal at dental, legal na consultation at iba pang mga serbisyong inalok. Kasabay din ang pamamahagi ng mga polyeto (leaflets) na may mahalagang impormasyon sa isyu ng West Philippine Sea ay bahagi ng kampanya upang isulong ang kamalayan ng publiko sa mga pambansang isyu.

Ang ating gobyerno ay gumagawa ng maraming aksyon, tulad ng Serbisyo Caravan, upang ipakita na mahalaga ang bawat mamamayan at  ihatid ang mga libreng serbisyo sa lipunan.

Ipinakita ng aktibidad kung paano nagtutulungan ang iba’t ibang departamento ng gobyerno at sektor ng seguridad upang matiyak na matatanggap ng mga mamamayan ang mga serbisyong nakalaan para sa bayan.

Source:17 Infantry Battalion, PA/Municipality of Allacapan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles