Isinasagawa ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang limang araw na Water Search and Rescue (WASAR) training na nagsimula noong ika-25 ng Agosto at magtatapos naman sa ika-29 ng Agosto, 2025 na kasalukuyan pang ginaganap sa bayan ng Buguey.


Ayon sa PDRRMO, 28 ang mga kalahok sa pagsasanay mula sa MDRRMO Buguey, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Sangguniang Kabataan, at mga local pool watchers.
Kabilang sa mga aktibidad ang pagbibigay ng first aid o paunang lunas, basic life support–cardiopulmonary resuscitation (CPR), bandaging techniques, at ropemanship.


Layunin nitong palawakin ang kaalaman ng mga kalahok sa emergency operations, partikular sa search and rescue sa mga ilog at katubigan.
Source: Cagayan Provincial Information Office




