17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Serbisyo Caravan ng JRTF1-ELCAC, umabot sa mga residente ng Candon City

Umabot sa mga residente ng Barangay Tablac, Candon City ang tulong at serbisyo mula sa Joint Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict in the Ilocos Region (JRTF1-ELCAC) sa pamamagitan ng isang Serbisyo Caravan na ginanap sa Barangay Hall ng Tablac noong Agosto 27, 2025.

Sa naturang aktibidad, ang mga dating kasapi ng Underground Mass Organization (UGMO) ang nabigyan ng mga punla at buto ng gulay mula sa Department of Agriculture (DA) at tig-25 kilo ng bigas mula sa pamahalaang lungsod ng Candon.

Namahagi rin ang Department of Health (DOH) ng mga maternity kits para sa mga buntis sa barangay, habang humigit-kumulang 100 mag-aaral mula sa kindergarten at child development center ang nakatanggap ng mga pares ng tsinelas mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod dito, ipinagkaloob naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga birth certificate sa ilang mag-aaral sa child development center.

Layunin ng Serbisyo Caravan na mailapit ang mga pangunahing serbisyo at tulong sa mamamayan, partikular na sa mga komunidad na apektado ng armadong tunggalian. Ang inisyatibang ito ay nakatuon sa pagbawas ng impluwensya ng mga lokal na grupong komunista at sa pagpapatibay ng ugnayan ng pamahalaan at ng taumbayan.

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), bilang lead agency ng JRTF1-ELCAC Basic Services Cluster, ang nasabing programa.

Source: PIA – Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles