18.3 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

DSWD ‘Angels in Red Vest’, patuloy sa paghahatid ng tulong sa La Union

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang maranasan ng Rehiyon Uno ang magkakasunod na bagyong #CrisingPH, #DantePH, at #EmongPH, ngunit patuloy pa rin ang response operation ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) – Ilocos Region para sa mga naapektuhan.

Noong ika-10 ng Agosto 2025, walang humpay ang paghahatid ng serbisyong publiko ng mga “Angels in Red Vest” ng DSWD FO 1 sa lalawigan ng La Union. Upang mapabilis ang distribusyon, diretso nang inihahatid ang mga nai-request na Family Food Packs (FFPs) sa mga lokal na pamahalaan (LGUs). Kasabay nito, nagsasagawa rin ang mga tauhan ng random inspection upang matiyak na maayos at de-kalidad ang matatanggap na tulong ng mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Sa pagbaba at pag-aayos ng mga FFPs, nagbayanihan ang mga kawani ng DSWD FO 1, mga opisyal ng LGUs, at mga Barangay Local Government Units bilang patunay ng sama-samang pagtutulungan para sa mabilis at maayos na pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles