17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Nuwang Karera 2025 sa Tuguegarao City

Nagpabilisan ng kani-kanilang alagang kalabaw ang 16 na kalahok sa katatapos lamang na Nuwang Karera na ginanap sa Valdapeñas Farm, Barangay Centro 10, Tuguegarao City noong ika-11 Ng Agosto 2025.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Pavvurulun ‘Afi’ Festival na layong i-promote hindi lamang ng kultura kundi maging ng mayabong na agrikultura ng lungsod.

Itinanghal na kampeon si James Acom, na tumanggap ng Php15,000 bilang gantimpala. Sumunod si Maxx Quilang na nag-uwi ng Php10,000 para sa ikalawang puwesto. Samantala, si Junior Domincil ay pumangatlo at tumanggap ng Php8,000, habang si Roland Quilang ay pumang-apat at ginawaran ng Php5,000.

Ang ibang mga kalahok naman ay binigyan ng tig-Php2,000 bilang consolation prize bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon.

Dumalo sa aktibidad sina Vice Mayor Ross Resuello, City Councilors Myrna Te, at Lope Apostol Jr., kasama rin si Mr. Eto Valdepeñas na siyang may-ari ng Valdepeñas farm.

Naging punong abala sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad si Dr. Reynaldo Ferrer, Program Manager kasama si Dr. Pastor Tumaliuan, Head ng City Veterinary Office.

Ang Nuwang Karera ay isa lamang sa mga highlight ng makulay na pagdiriwang ng 301st Pavvurulun ‘Afi’ Festival na nagsusulong ng lokal na tradisyon at pagkakaisa sa lungsod.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles