18.3 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Mariane’s Panciteria, nakamit ang Kampeonato sa Pansit Batil Potun Festival 2025

Nakamit ng Mariane’s Paciteria ang Kampeonato sa naganap na Pancil Batil Potun Festival 2025 nitong Biyernes, ika-8 ng Agosto 2025, sa kahabaan ng Bonifacio St., Tuguegarao City, Cagayan.

Dinagsa ng madla ang kanilang bersyon ng Batil Potun kung saan nakabenta sila ng 1,266 plates at may total sales na Php151,000.00.

Pumangalawa ang Jomar’s Panciteria na nakabenta ng 1,227 plates na sinundan ng Julie’s Panciteria na nakapagbenta naman ng 628 plates.

Nakatanggap ng premyong Php10,000.00 ang Mariane’s Panciteria, Php7,000 naman sa Jomar’s Panciteria at Php5,000 para sa Julie’s Panciteria.

Sa kabuuan, 48 na lisensyadong panciteria ang lumahok sa nasabing patimpalak kung saan umabot sa 12,166 plates ang nabenta at may kabuuang kitang Php1,459,920.00.

Taon-taon ginaganap ang ganitong kompetisyon upang ipakita at ipakilala ang isa sa pinagmamalaking pagkain sa Lungsod ng Tuguegarao- ang Pancit Batil Potun.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles