Sa layuning mapalakas ang kakayahan ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 sa pamamahala at operasyon ng Mobile Kitchen, nagsagawa ang DSWD – Disaster Response Management Bureau (DRMB) ng dalawang-araw na technical assistance at orientation sa Crown Hotel, Tuguegarao City mula Agosto 6-7, 2025.
Tampok sa orientation ang tamang paggamit at pamamahala ng Mobile Kitchen isang kumpleto at self-contained food service unit na idinisenyo upang mabilis na makapagluto at makapaghatid ng mainit na pagkain sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Umabot naman sa 40 personnel mula sa iba’t ibang yunit ng DSWD FO2 kabilang ang Disaster Response Management Division (DRMD), General Services Unit (GSU), Supplemental Feeding Program (SFP), at mga Social Welfare and Development (SWAD) Offices ang lumahok sa naturang orientation.
Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa rin ang live simulation at hands-on demonstration ng aktwal na meal production gamit ang Mobile Kitchen upang mas mahasa ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagsuporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kakayahan ng bansa sa disaster response, at tiyaking mabilis na naipapaabot ang mga pangunahing serbisyo sa ilalim ng programang Sa Panahon ng Sakuna, Buong Bansa Handa at Walang Gutom Program.
Source: DSWD Region II




