23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Narvacan, Ilocos Sur RHU Outreach Program: Serbisyong Medikal Hatid sa Barangay Dinalaoan

Upang masiguro ang kaligtasan at mabuting kalusugan ng mga mamamayan ng Narvacan, muling isinagawa ng Rural Health Unit (RHU) ng Narvacan ang isang outreach program na tumugon sa pangangailangang medikal ng mga residente.

Noong Agosto 6, 2025, sa pangunguna ni Dr. Angelo Gurion, Municipal Health Officer, isinagawa ng RHU Narvacan ang Barangay Check-Up sa Barangay Dinalaoan. Sa nasabing programa, nabigyan ang mga residente ng libre at abot-kamay na laboratory services, pagbabakuna, at mga gamot na kailangan ng mga maysakit o nais mapanatili ang mabuting kalusugan.

Ang gawaing ito ay bahagi ng plano at inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Narvacan, na pinamumunuan ni Mayor Dra. Edna Cabalo Sanidad, na layuning mapataas ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan at maihatid ito maging sa mga malalayong lugar.

Bilang pagpapakita ng pagtutulungan, nagbigay ng buong suporta at pakikipag-ugnayan si Brgy. Captain Gloria Barbosa, kasama ang mga opisyal ng barangay, Barangay Nutrition Scholar, at Barangay Health Workers. Dahil dito, naging maayos at ligtas ang pagsasagawa ng serbisyo para sa lahat ng residente ng Dinalaoan.

Ang nasabing outreach program ay patunay ng pagkakaisa ng mamamayan at liderato upang matiyak na ang kalusugan ay hindi lamang para sa mga nasa sentro, kundi para rin sa pinakamalayong barangay ng bayan.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles