17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

RHU I, nagsagawa ng Information Drive laban sa TB at HIV sa Bayambang

Nagsagawa ang mga nurse ng RHU I ng information drive sa mga barangay ng Bayambang ukol sa sakit na TB at HIV mula July 29 hanggang August 8, 2025.

Sila ay natungo sa Brgy. Tanolong, Batangcaoa, at Maigpa na may kabuuang 91 na kalahok.

Ang RHU team ay namimigay din ng libreng anti-TB medication para sa anim na buwan sa sinumang pasyenteng na-diagnose na may TB.

Ayon sa RHU, ang unang senyales ng HIV infection ay TB, kaya’t minabuti nilang magsagawa ng health promotion activity kung saan magkasama ang dalawang paksa sa iisang usapin.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman ng komunidad at maging maalaga sa kanilang mga sarili laban sa tumataas na bilang ng may HIV at TB sa bansa.

Source: Bayambang LGU

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles