Agad na natanggap sa trabaho ang 75 na aplikante na lumahok sa isinagawang job fair ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa Queen Isabela Park nitong Agosto 1, 2025.
Ayon kay Cecilia Claire N. Reyes, Manager ng Public Employment Service Office (PESO) Isabela, nasa 53 na employer ang nakiisa sa job fair na kinabibilangan ng mga restaurants, construction firms, energy companies, at Schools Division ng Isabela at ng Isabela State University – Cabagan campus.
Umabot naman sa 700 na job seekers ang nagtungo sa nasabing job fair.
Pinaalalahanan naman ni Atty. Christopher A. Mamauag, Provincial Administrator ng Isabela, ang mga naghahanap ng trabaho at ng mga hired-on-the-spot (HOTS) na kunin ang tiwala ng kanilang mga employer sa pamamagitan ng pagpapakita ng propesyonalismo at mabuting asal, at binigyang-diin na ang mga interpersonal na kasanayan at karanasan sa totoong mundo ng pagtatrabaho ay higit pa sa itinuturo sa paaralan.
Samantala, pinuri ni Department of Labor and Employment (DOLE) Isabela Director Reginald B. Estioco ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pag-organisa ng event at binati rin ang PESO Isabela sa pagkilala bilang Best PESO sa buong lambak ng Cagayan sa ilalim ng first-class province category.
Source: Isabela PIO




