18.3 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

107 Benepisyaryo ng 4Ps sa Galimuyod, Ilocos Sur, nagtapos sa isang makabuluhang Graduation Ceremony

Isinagawa ang isang makabuluhang graduation ceremony para sa 107 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur ngayong Agosto 7, 2025. Ang seremonya ay simbolo ng pagtatapos ng kanilang pagiging benepisyaryo at simula ng panibagong yugto sa kanilang pag-unlad.

Isa sa mga tampok sa programa ay ang pagbabahagi ng karanasan ni Loraine Dario, 1st runner-up sa Provincial Search for Exemplary Child 2025. Ipinahayag niya ang malaking ambag ng 4Ps sa kaniyang pag-aaral at sa ikabubuti ng kanilang kabuhayan.

“Dahil sa programa, naitampok ko ang aking talento at mas naipapamalas ko ang aking kakayahan. Ang 4Ps ay nagsilbing ilaw at inspirasyon, hindi lamang sa aming pamilya kundi sa iba pang kabataan at pamilyang nangangailangan,” ani Dario.

Para naman sa Lokal na Pamahalaan ng Galimuyod, ang pagtatapos ng mga benepisyaryo ay patunay na unti-unti nang umaangat ang antas ng pamumuhay ng mga pamilya sa ilalim ng 4Ps. Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pagsusumikap sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Bilang pagkilala at insentibo sa kanilang tagumpay, bawat nagtapos ay tumanggap ng tig-isang alagang baka, grocery package, at iba pang personal na kagamitan mula sa lokal na pamahalaan.

Ang nasabing seremonya ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos kundi pagpapatunay na sa tulong ng programa at sariling pagsisikap, posible ang pag-abot ng mas magandang kinabukasan para sa mga pamilyang Pilipino.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles