17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Corn Silage Making Production, isinagawa ng mga magsasakang Cagayano

Nagsanay ng ‘Corn Silage Making Production’ ang mga magsasaka ng mais mula sa bayan ng Iguig, Amulung, Alcala, at Baggao sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan nito lang Agosto 6, 2025.

Ang programang ito ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay tugon sa pagnanais ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay na maging tuloy-tuloy ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga magsasaka lalo na ang mga may kaugnayan sa moderno at alternatibong pamamaraan ng pagsasaka.

Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist ng OPA, ang 27 na magsasaka na sumailalaim sa pagsasanay ay unang nabigyan ng oryentasyon at lecture hinggil sa paggawa ng pagkain ng mga alagang hayop. Sa kanilang hands-on training ay itinuro naman ang mga maaaring gawing pagkain ng mga alagang hayop tulad ng mais at damo, paraan ng pagkuha, chopping, packing, sealing techniques, at fermentation upang magkaroon ng tamang klase ng alternatibong pagkain ng hayop.

Ang Programang “silage making” ay isang solusyon sa pangunahing problema ng mga livestock raiser sa kakulangan ng pagkain tuwing tagtuyot kung saan sa pamamagitan ng silage ay maaaring makatipid sa gastusin at makapagbigay pa ng masustansyang pagkain sa mga alagang kalabaw, baka, kambing, at tupa.

Layon din nito na maihanda ang mga magsasaka sa anumang suliranin sa pagsasaka lalo na sa mga panahon ng sakuna.

Source: PIO Cagayan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles