23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Pamamahala ng Project LAB, ipinasakamay na sa mga partner-beneficiaries sa Sto. NiƱo, Cagayan

Sa ikalawang taon ng implementasyon ng Project LAWA at BINHI, opisyal nang ipinasa sa pangangalaga ng mga partner-beneficiaries ang pagpapatupad ng naturang proyekto sa ginanap na Ceremonial Turnover at Commitment Setting sa project site sa Brgy. Niug Norte noong Agosto 5, 2025.

Sa mensahe ni OIC-Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez, pinuri ang mahusay na pagpapatupad ng Project LAB sa lugar. Aniya, ā€œGapu ti gaget, timpuyog ken pagkakaysa, nagbunga ti mayat nga pag-implementar na daytoy nga proyekto.ā€ (Dahil sa sipag at pagkakaisa, naging maganda ang naging resulta ng implementasyon ng proyektong ito.)

Hinikayat din ni ARDO Lopez ang mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang proyekto upang mapanatili at mapalawak pa ito bilang isang tuloy-tuloy na pagkakakitaan para sa komunidad.

Samantala, nagpahayag ng buong suporta si Mayor Andrew Vincent Pagurayan, at tiniyak na makaaasa ang mga benepisyaryo sa tulong ng lokal na pamahalaan, kapalit nito ang masigasig na pagpapanatili at pagpapaunlad ng proyekto.

Aniya, ā€œIpakita yo ti gaget yo daytoy nga panggep tayo tapnu haan kami agsardeng nga dumawat ti tulong ken tumulong kanyayo.ā€ (Ipakita ninyo ang inyong kasipagan sa layunin nating ito upang hindi kami magsawa sa paghingi ng tulong para sa inyo at sa patuloy na pagtulong sa inyo.)

Ibinahagi naman ni Municipal Agriculture Officer Rosalie Tomaneng na may nakalaang pondo ang LGU para sa binhi ng gulay na gagamitin sa Project BINHI. Bukod dito, nagkaloob din ang kanilang opisina ng isang makinang patubig para sa nasabing project site.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Charlito Erece.

Source: DSWD Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles