17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Bayan ng Bacnotan, Tuloy-tuloy sa Pagbahagi ng Ayuda at Pagsasagawa ng Clearing Operations

Patuloy ang pag-abot ng tulong ng lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, sa pangunguna nina Mayor Divine Fontanilla at Vice Mayor Francis Fontanilla, upang maihatid ang kinakailangang suporta sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pag-ulan dulot ng bagyong Emong.

Ngayong Hulyo 31, nagsagawa ng relief operations ang LGU sa Barangay Baroro, Barangay Ortega, Barangay Guinabang, at Barangay Oya-oy. Personal na inihatid ng lokal na pamahalaan ang food packs upang maibsan ang hirap ng mga pamilyang lubhang nasalanta ng masamang panahon.

Kasabay nito, patuloy ang koordinasyon ng barangay at LGU sa clearing operations upang mas mapabilis ang pagbabalik sa normal ng mga pangunahing kalsada at daanan. Unti-unti na ring nanunumbalik ang suplay ng kuryente sa bayan sa pangunguna ng La Union Electric Cooperative (LUELCO), na patuloy ding nananawagan ng kooperasyon ng bawat kabahayan upang makatulong sa clearing operations at mapabilis ang pagkakabit at pagbabalik ng kuryente sa buong bayan.

Nagpapatuloy naman ang repacking ng relief goods sa buong magdamag upang agad maipamahagi ang tulong sa mga pamilyang nakalista batay sa datos na isinumite ng mga barangay.
Tulong-tulong ang bawat Bacnotanean upang muling makabangon mula sa pinsalang iniwan ng bagyo.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles