17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Pamamahala ng Project LAB, pormal nang ipinasakamay sa mga benepisyaryo sa Kasibu, Nueva Vizcaya

Pormal nang isinagawa ang Ceremonial Turnover at Commitment Setting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 para sa Project LAWA at BINHI (Project LAB) sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya nito lamang ika-31 ng Hulyo, 2025.

Pinangunahan ang programa ng DSWD FO2 katuwang ang Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at ang lokal na pamahalaan ng Kasibu sa pangunguna ni Mayor Romeo Tayaban. Kasama rin sa mga dumalo si Agricultural Technologist Abelita Madiam mula sa Municipal Agriculture Office (MAGRO) at mga kasapi ng iba’t ibang asosasyon ng benepisyaryo.

Bilang bahagi ng turnover ceremony, namahagi ang DA ng mga timba na may lamang fingerlings at mga basket na naglalaman ng vegetable seedlings. Nagpahayag ng tulong teknikal at tuluy-tuloy na suporta ang MAGRO at BFAR, kabilang ang libreng punla, fingerlings, at pagsasanay.

Nagpasalamat naman si LAB Poblacion Association Vice President Vergilina Regalado sa proyekto, at ibinahagi ang pagbabago sa kanilang kabuhayan mula sa simpleng paglilinis tungo sa aktibong pagtatanim at pagkakaroon ng dagdag kita.

Layunin ng aktibidad na ganap na ipasa ang responsibilidad ng pamamahala sa Project LAB upang mas mapalawak at mapanatili ito ng mga benepisyaryo. Sa ganitong paraan, masisiguro ang pangmatagalang tagumpay ng proyekto at ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng kabuhayan sa komunidad.

Source: DSWD RII

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles