17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Higit 49,000 Pamilya, target matulungan ng DSWD Field Office 1

Sa kabila ng sarili nilang pagkalugmok sa matinding epekto ng mga nagdaang bagyo, hindi natinag ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1). Patuloy nilang ipinapamalas ang diwa ng malasakit, bayanihan, at tunay na serbisyo publiko sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagkilos upang maipaabot ang agarang tulong sa mga komunidad na higit na nasalanta.

Noong Hulyo 30, pinangunahan ng DSWD FO 1 ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Emong sa Lungsod ng Alaminos at mga bayan ng Mangatarem at Aguilar sa lalawigan ng Pangasinan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na disaster response ng ahensya upang tugunan ang agarang pangangailangan ng mga nawalan ng tirahan, kabuhayan, at mga ari-arian.

Ang Angels in Red Vests ay muling nagpakita ng matibay na dedikasyon sa kabila ng pagod at sakripisyo. Layunin nilang maipamahagi ang ayuda sa mahigit 49,000 na pamilya sa mga apektadong lugar upang makatulong sa kanilang muling pagbangon.

Ayon sa pinakahuling datos, tinatayang nasa 484,606 na pamilya mula sa 1,709 barangay sa buong Rehiyon Uno ang naapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad tulad ng bagyong Crising, Dante, at Emong, na pinalala pa ng malawakang epekto ng Habagat.

Sa ilalim ng kampanya programa ng Social Welfare and Development Field Office 1, patuloy na pinatutunayan ng ahensya ang kahalagahan ng mabilis, organisado, at pusong serbisyo lalo na sa panahon ng krisis. Sa tulong ng mga local government units, volunteers, at iba pang stakeholders, nananatiling matatag ang layunin ng DSWD na walang maiiwan sa gitna ng sakuna.

SOURCE:
DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles