23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Bayanihan in Action sa Rehiyon Dos: Sama-sama para sa bawat Pilipino

Matagumpay na naisagawa ang Bayanihan in Action ng ibat ibang ahensya sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pangunahing tulong gaya ng pagkain at gamot para sa mga apektadong mamamayan sa hilagang bahagi ng Luzon gamit ang Philippine Air Force C-130 aircraft sa Tuguegarao City Airport nito lamang ika-29 ng Hulyo 2025.

Nagkaisa ang mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard MBLT10, Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force (PAF), Office of Civil Defense (OCD) Region 2, at Department of Health (DOH) Region 2, kasama ang 17th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Nagkaloob ang OCD Region 2 ng aabot sa 150 family packs at 375 hygiene kit pails, habang ang DOH Region 2 naman ay nagbigay ng apat solar panels, apat na baterya, isang inverter, at 14 na kahon ng medical supplies.

Bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa pagtugon at pagbangon mula sa mga sakuna sa rehiyon.

Ang tuloy-tuloy na pagtutulungan ng mga kasaping mula sa militar, sibilyang pamahalaan, at sektor ng kalusugan ay patunay ng matibay na pagkakaisa upang agad na maihatid ang suporta at serbisyo sa mga nangangailangan. Isa na namang mahalagang hakbang ito sa pagpapatibay ng kakayahan ng rehiyon sa disaster response at relief operations.

Source:17th Infantry Battalion,PA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles