Nanguna ang Department of Social Welfare and Development Field Office Cordillera Administrative Region (DSWD FO CAR) sa paghatid ang 851 Family Food Packs sa Barangay Danac, Boliney, Abra sa pamamagitan ng Airlift Mission nito lamang ika-29 ng Hulyo 2025.
Sa mga pagkakataong hindi na madaanan ng sasakyan ang mga daan, ang paghahatid ng ayuda sa pamamagitan ng airlift ay patuloy na isinasagawa ng DSWD FO CAR upang marating ang mga liblib at pinakamahirap na lugar kabilang na dito ang Barangay Danac sa Boliney, Abra, isang mataas at liblib na komunidad na pansamantalang na-isolate dahil sa mga nagdaang bagyo at pinalakas pa ng habagat.


Ang mabilisang tugon ay naisakatuparan sa masinsinang koordinasyon nina DSWD FO CAR Regional Director Maria A. Catbagan-Aplaten at OCD-CAR Regional Director Albert Mogol katuwang ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), Office of Civil Defense-CAR, Tactical Operations Group 1, at 24th Infantry Battalion.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng diwa ng whole-of-government approach kung saan ang pagkakaisa at dedikasyon ng bawat kasapi ang naging susi upang maiparating ang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Panulat ni Mamerta




