Matagumpay na nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 ng Ceremonial Turnover and Commitment Setting para sa Project LAWA at BINHI sa ilalim ng Risk Resiliency Program (RRP), kahapon, ika-28 ng Hulyo 2025 sa Brgy. Rizal Diffun, Quirino.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang si Ginang Babylyn Reyes, Sangguniang Panlalawigan Member at buong suporta ng panlalawigang konseho sa LGU- Diffun sa pagpapatuloy ng proyekto sa apat na itinalagang project sites.

Bilang bahagi ng turnover ceremony, namahagi ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng mga punla ng talong at sili na inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng ani at kita ng mga partner-beneficiaries. Nagsagawa rin ng site evaluation ang mga kinatawan mula sa DSWD FO2 katuwang ang Office of the Provincial Agriculture (OPAG) upang suriin ang kalagayan ng mga proyekto at matukoy ang iba pang kinakailangang suporta para sa mas matagumpay na pagpapatupad nito.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng pagtutulungan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kabuhayan at katatagan ng komunidad sa harap ng hamon ng klima.
Source : DSWD Region ll




