17.2 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Bloodletting Activity, isinagawa sa Abra

Naging matagumpay ang isinagawang Bloodletting Activity sa kabila ng malakas na ulan sa Bangued, Abra noong ika-25 ng Hulyo, 2025.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial DOH Office of Abra (PDOHO Abra), Abra Provincial Health Office, Abra Provincial Hospital, at Philippine Red Cross Abra Chapter.

Umabot sa 127 na indibidwal ang lumahok, kabilang ang mga first-time at regular donors, health workers mula sa iba’t ibang bayan na nakatalaga sa PDOHO Abra, at mga miyembro ng Philippine National Police at Philippine Army.

Ang bloodletting activity ay bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month na pinangunahan ng Department of Health-Cordillera (DOH-CAR) sa pamamagitan ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP), na may temang, “Magbigay ng dugo, magbigay ng pag-asa, sama-sama tayong magligtas ng buhay”.

Sa pagtatapos ng araw, nakalikom ng 116 units ng dugo na binubuo ng 43 units ng O positive, 36 ng B positive, 25 ng A positive, at 12 ng AB positive.

25 sa mga donors ang unang beses nagbigay ng dugo, habang 11 ang hindi nakapasa sa medical screening.

Ang mga nakolektang dugo ay pantay na ipinamamahagi sa Abra Provincial Hospital at Philippine Red Cross.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at malasakit ng komunidad sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang makatulong sa pagsagip ng buhay at pagtitiyak ng sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles