Itinampok ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan at mamamayan sa masiglang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa bayan ng San Agustin, Isabela noong Hulyo 26,2025.
Ayon kay Mayor Raden Mondala, ang malusog na pangangatawan ay mahalagang pundasyon ng isang produktibong mamamayan at susi sa pag-unlad ng buong bayan.
Ilan sa mga isinagawang aktibidad ay ang cook fest, booth exhibits, jingle competition, quiz bee, poster-making contest, at ang Mr. and Ms. A1 Child Search, na layong itaas ang kaalaman ng publiko sa tamang nutrisyon.

Binigyang-diin naman ni Oliver T. Baccay, Officer-in-Charge (OIC) Regional Director ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2, na lumalala ang kaso ng obesity sa Cagayan Valley kaya’t mahalaga ang edukasyon tungkol sa tamang nutrisyon, lalo na sa antas ng pamilya at kabataan.
Ang nasabing pagdiriwang ay nagsilbing panawagan sa mga magulang, guro, at lokal na pamahalaan na magtulungan upang maisulong ang malusog na pamumuhay sa bawat pamilya sa Isabela
Coutesy: PIA Cagayan Valley




