24.9 C
Baguio City
Wednesday, June 10, 2026
spot_img

Kapayapaan at Pagbabago, tulong para sa Dating Rebelde

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kapayapaan at reintegrasyon, nagsanib-puwersa ang 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ng PNP, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 upang magbigay ng tulong pinansyal sa dalawang dating rebelde na boluntaryong sumuko sa pamahalaan. Ginanap ang pamamahagi ng tulong noong ika-21 ng Hulyo 2025 sa DSWD Field Office 2 sa Barangay Carig, Tuguegarao City, kung saan tumanggap ng tig-P20,000.00 ang bawat benepisyaryo.

Nagpahayag ng pasasalamat si Lt. Col. Ford G. Alsiyao, Commanding Officer ng 17IB, sa DSWD sa patuloy nitong suporta sa mga dating rebelde na nagnanais magsimula ng bagong buhay. Ayon sa kanya, ang pagbibigay ng agarang tulong ay hindi lamang nagpapadali sa kanilang paglipat sa normal na pamumuhay, kundi tumutulong rin sa pagpapatatag ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon. Samantala, personal na iniabot ni DSWD Regional Director Lucia S. Alan ang pinansyal na tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ang AICS ay regular na programa ng DSWD na nagbibigay ng agarang tulong sa mga indibidwal o pamilyang nasa krisis, kabilang na ang mga dating rebelde. Isa rin ito sa mga pangunahing hakbang sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach, na layuning matulungan ang mga sumuko upang muling makapamuhay nang mapayapa at marangal sa lipunan.

Lubos ang pasasalamat ng dalawang benepisyaryo sa 17IB, 5th Infantry Division ng Philippine Army, 2nd Cagayan PMFC, at DSWD sa tulong na kanilang natanggap. Ayon sa kanila, ang nasabing tulong ay magsisilbing panimula upang muling buuin ang kanilang buhay at makapagbigay ng mas magandang kinabukasan sa kanilang mga pamilya. Ang pagkakaisang ito ng mga ahensya ng pamahalaan ay patunay na posible ang kapayapaan at pagbabagong-buhay sa mga komunidad.

Source: 17th Infantry Battalion, PA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles