24.9 C
Baguio City
Wednesday, June 10, 2026
spot_img

Mga Pangasinenseng apektado ng pagbaha, agad hinatiran ng tulong

Alinsunod sa direktiba ni Governor Ramon V Guico III, tuloy-tuloy ang paghahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng relief packs sa mga residenteng apektado ng patuloy na pag-uulan dala ng habagat at Bagyong Crising nito lamang Hulyo 21, 2025.

Sa pamamagitan ng Pangasinan Social Welfare and Development Office at LGU Umingan, nabigyan ng relief goods ang aabot sa 2,000 residente.

Ipinasakamay din ng PSWDO ang 700 relief packs sa bayan ng Balungao upang maihatid sa mga residenteing nasalanta ng pagbaha.

Tiniyak ni Governor Guico na patuloy na naka-monitor ang PSWDO at PDRRMO para maalalayan ang bawat Pangasinenseng apektado ng pagbaha.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles