19.9 C
Baguio City
Wednesday, June 10, 2026
spot_img

Emergency Preparedness, patuloy na pinalalakas ng PHO sa lalawigan ng Cagayan

Patuloy na pinalalakas ng Provincial Health Office (PHO) ng Cagayan ang kahandaan ng lalawigan sa panahon ng sakuna, sa pamamagitan ng sunud-sunod na Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid trainings. Kabilang sa mga sinanay ang 30 health workers mula sa Northwestern Cagayan District Hospital sa Abulug bilang bahagi ng licensing requirement para sa akreditasyon ng Department of Health (DOH).

Bukod dito, 30 personnel mula sa Rural Health Unit (RHU) ng Abulug ang sumailalim din sa kaparehong pagsasanay bilang pagsunod sa Seal of Good Local Governance (SGLG) requirement na naglalayong maisaayos ang institutionalization ng Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) sa lokal na pamahalaan. Samantala, 45 miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng Sta. Teresita ang sinanay rin bilang paghahanda sa pagtugon sa mga emerhensiya.

Ayon kay Mayor Rodrigo “Rambo” De Gracia ng Sta. Teresita, layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan hindi lamang sa mga gawaing pangkabataan tulad ng sports, kundi maging sa aktwal na mga sitwasyong nangangailangan ng agarang first aid o tulong-medikal. Ito ay hakbang upang gawing handa at responsableng miyembro ng komunidad ang mga kabataan.

Samantala, isinagawa rin noong ika-22 ng Hulyo 2025 ang Generic Training of Facilitators para sa 55 personnel mula sa RHU ng Sto. Niño. Sila ay magiging tagapagsanay para sa mga susunod na health-related at disaster preparedness trainings sa kani-kanilang mga nasasakupan. Layon ng mga inisyatibong ito na matiyak ang sapat na kaalaman at kahandaan ng mga frontline workers, lalo na sa mga bayan na may limitadong access sa agarang serbisyong medikal.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles