Ipinamagi ng Pamahalaang Bayan ng Marilao ang mga relief goods sa mga residente na apektado ng Bagyong Crising sa Brgy. Poblacion I, Marilao, Bulacan nito lamang Linggo, ika-20 ng Hulyo 2025.
Ang nasabing tulong ay mula kay Punong Bayan Atty. Jemina Sy, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Marilao na personal na inihatid ni Hon. Maria Jasmine M. Mendoza, Punong Barangay kasama ang mga Mother Leader at Barangay Tanod.
Layunin ng pamamahaging ito na agad maipaabot ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan sa gitna ng nararanasang kalamidad o krisis.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo at pamunuan ng Barangay Poblacion sa mabilis na aksyon at malasakit ng lokal na pamahalaan.
Ang ganitong hakbang ay patunay ng matatag na ugnayan at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang matiyak ang kaligtasan, kapakanan, at kaginhawaan ng bawat mamamayan sa panahon ng pangangailangan.






