Hatid ng serbisyong may malasakit ng Lokal na Pamahalaan ng Pampanga ang 10 libreng wheelchair para sa benipisyaryo nito lamang Linggo, ika-20 ng Hulyo, 2025.
Ang serbisyong ito ay pinangunahan ito ni Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda.
Masisilayan ang mga ngiti ang gaan ng loob at pag-asa na dulot ng natanggap na tulong na hatid ng Capitol Team sa kani-kanilang mga tahanan.
Isa itong patunay ng mabilis at personal na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga nangangailangan, lalo na sa mga may kapansanan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng wheelchair, pinapalakas ng pamahalaan ang adbokasiyang inklusibo at makataong serbisyo, na tunay na naglilingkod sa lahat — lalo na sa mga hindi kayang maglakad at kinakailangang suportahan sa kanilang kalagayan.






