17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 3, 2026
spot_img

DSWD RO2, nagsagawa ng relief operations sa Lalawigan ng Cagayan

Patuloy ang isinasagawang relief operations ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Crising sa lalawigan ng Cagayan noong ika-19 ng Hulyo, 2025.

Katuwang ang mga kawani ng mga lokal na pamahalaan, namahagi ang ahensya ng mga family food packs (FFPs) sa mga bayan ng Abulug, Aparri, Lal-lo, Gattaran, Gonzaga, Sta. Teresita, at Sta. Ana.

Kasabay nito, hinikayat ang mga apektadong komunidad na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na opisyal para sa anumang agarang hinaing o suportang kailangan.

Samanatala, patuloy na pinaghahandaan ng DSWD FO2 ang posibleng pagpapadala ng karagdagang tulong para sa ating mga mamamayan na naapektuhan ng Bagyo.

Source DSWD R2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles