16.6 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

DSWD Field Office 02, isinagawa ang Renewal of Registration at Feedbacking sa ‘Walang Gutom Program’ Retailers

Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 ang Renewal of Registration and Feedbacking para sa mga accredited retailers ng ‘Walang Gutom Program’ sa Crown Hotel, Tuguegarao City noong ika-15 ng Hulyo 2025.

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang ugnayan at kasunduan sa pagitan ng DSWD at mga retail partners upang matiyak ang maayos, tapat, at tuluy-tuloy na serbisyo para sa mga benepisyaryo ng programa. Tinatayang 11 sa mga kalahok ay kinabibilangan ng mga miyembro ng Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs), na pawang mga benepisyaryo rin ng ahensya.

Ayon sa DSWD, mahalaga ang papel ng mga retail partners sa tagumpay ng Walang Gutom Program, na layong mapawi ang kagutuman sa mga pamilyang kabilang sa pinakanangangailangan. Sa pamamagitan ng muling pagrerehistro at pagbibigay ng feedback, mas mapalalakas ang implementasyon ng programa sa rehiyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga retailers sa DSWD sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong maging bahagi ng isang programang hindi lamang nakatutulong sa kanilang kabuhayan, kundi nagbibigay rin ng makabuluhang serbisyo sa kanilang mga komunidad.

Ang naturang aktibidad ay patunay ng pagpapatuloy ng DSWD sa pakikipagtulungan sa mga lokal na katuwang upang epektibong maihatid ang mga pangunahing serbisyo para sa mga nangangailangan sa rehiyon.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles