Hatid ng Pamahalaan ng San Fernando ang Tulong at Serbisyong May Puso para sa mga nakakatanda at PWDs Personal at kanilang mga pamilya ng tulong bilang bahagi ng programang “Care and Love” na ginanap sa City Hall ng City of San Fernando, Pampanga nito lamang ika-14 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay inisyatibo ni Hon. Vilma Valle-Caluag, Mayor ng naturang siyudad.
Nasa 25 benepisyaryo ang nakatanggap ng mga restorative at assistive devices, habang 40 senior citizens na may edad 85 taong gulang ang tumanggap ng kanilang one-time cash incentive na P25,000.00.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa kanilang layunin na maitaguyod ang dignidad at kaginhawaan ng mga nakatatanda at PWDs sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta—pinansyal man o gamit na medikal—na tunay na may malasakit.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng matatag at pusong-serbisyong pamumuno ng kasalukuyang administrasyon para sa mga mamamayan.





