25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

PWD na balut vendor sa Isabela, tumanggap ng Php30K Kabuhayang Suporta mula sa DOLE

Isang kwento ng pag-asa at pagpupursige ang ibinahagi ng isang Person with Disability mula sa Isabela matapos tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan upang mapaunlad ang kanyang kabuhayan na ipinamahagi sa Gamu, Isabela noong ika-5 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Masaya at hindi napigilang maging emosyonal si Ginang Lita Alindayu, 50-anyos at isang balut vendor mula sa Isabela, matapos pagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Php30,000 halaga ng livelihood package. Isa siya sa 40 benepisyaryo ng kabuuang Php997,760 kabuhayang tulong.

Maliban sa kanya, tumanggap rin ng tulong ang iba pang PWDs, senior citizens, tobacco farmers, vendors, at skilled workers. Iba’t ibang kagamitan tulad ng freezer, mantika, frozen goods, at grocery items ang ipinagkaloob depende sa pangangailangan ng kanilang kabuhayan. Pinayagan din ng lokal na pamahalaan ng Gamu ang ilang vendors na makapagtinda nang walang bayad sa renta sa loob ng dalawang linggo.

Pinangasiwaan ng DOLE Isabela ang pamamahagi ng tulong sa pangunguna ni Labor and Employment Officer III Glaeza B. Dela Cruz, katuwang sina Mayor Xian-Al Defensor Galanza, Municipal Administrator Mae Cristina Galanza, at PESO Manager Rosito Ramirez.

Umaasa ang DOLE at LGU-Gamu na sa pamamagitan ng programang ito, mas mapapalakas ang kabuhayan ng mga benepisyaryo at makakatulong ito sa kanilang pangmatagalang pag-unlad.

Source:DOLE REGION 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles