23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Produksyon ng asin sa Pangasinan, tumaas ng 17% dahil sa mas mainit na panahon

Nakapagtala ng 7,500 metriko tonelada ng asin ang Pangasinan Salt Center sa Barangay Zaragosa, Bolinao mula Disyembre 2024 hanggang Mayo 2025, mas mataas ng 17.18 porsyento kumpara sa 6,400 MT noong nakaraang season.

Ayon kay Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, naging susi ang mas mainit na panahon sa pagtaas ng ani, kahit mas maikli ang panahon ng produksyon ngayong taon.

Isinusulong din ng lalawigan ang kasunduan sa Philippine Coconut Authority (PCA) para sa pagbili ng 30,000 bag (1.5 milyong kilo) ng agricultural-grade salt na gagamitin bilang pataba sa mga niyugan, na nagkakahalaga ng Php750–Php800 bawat bag.

May mga lokal ding bumibili ng asin direkta sa asinang, at patuloy ang mga proyekto para palakasin ang industriya, tulad ng pagtatayo ng imbakan at pag-ayos ng mga kalsada.

Sinabi ni Governor Ramon Guico na ang proyekto ay tugon sa “Philippine Salt Industry Development Act” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na layong bawasan ang 93 porsyentong pag-asa ng bansa sa imported na asin.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles